Wednesday

To Quit or Not To Quit

Hindi ako talaga dapat online ngayon, e. Wala kasi akong pasok ngayong araw lang na 'to. Pero dahil 2 lang ang subjects ko ngayon, wala pa yung isang prof 'e wala na din kaming klase dun sa huling subject. Pero.. Madami pa rin akong kailangang gawin. Everyday is Quiz Day. At hindi ko na alam kung tama pa bang pinagpapatuloy ko 'tong course na 'to o sadyang napipilitan na lang ako dahil umabot na ko sa level na 'to. Sa ngayon, nag-eenjoy naman ako. Kahit gabi gabing nag-aaral - na hindi ko naman talaga gawain, at kahit na nag-aral ka na at nagpuyat 'e failed pa rin. Kaya lang sa puntong ito, there's no turning back.

Pero naisip ko, kapag bumagsak ako kahit isang sub lang ngayong sem na ito, lilipat na ako ng course. Psych? Mas madami kasing credited kapag galing MT ka tapos Psych ang patutunguhan. Pwede na rin ang Psych. Gusto ko sana ng Masscom. Kaya lang, masyadong petiks 'yon, lalo akong tatamarin. Tsaka wala akong maccredit na sub, sobrang konti lang.

As of now, sabi nila, in demand nga ang Medical Technologists.. Pero wag ibase sa 'in demand' ang tatahakin. Mahirap nang magsayang ng pera, oras, at talento kung kukunin mo lang ang isang course dahil uso at madaming pwedeng pasukang trabaho. Dahil sa huli, ikaw lang din ang mahihirapan. Mare-realize mo na lang na hindi mo pala talaga kaya (mentally, physically, and emotionally) ang challenges na dulot ng MedTech life. O di kaya minsan naman, 'yun talaga ang gustong gusto mong gawin o pre-med mo kung saka-sakali nangarap kang maging doktor, pero hindi mo naman talaga kaya.

Sadyang may mga bagay kasi na hindi nadadaan lang sa pangarap, kakailanganin mo talaga ang apat bagay upang magtagumpay: 1) dedikasyon, 2) disiplina, 3) talino 4) kakayahan. Magkulang ka ng isa dyan, mahihirapan ka na. Mahirap na nga ang course, mas mahihirapan ka pa lalo..

Katulad ko.

Thursday

Bullets

I wasn't able to update my blog these past few days that I missed to share the highlights.. Now, I don't know how to share everything.

So, hello bullets!


  • Went to Bulacan to celebrate my cousin's party and was stuck there until Sunday that week because of the supposed to be typhoon, Chedeng.
  • Enrolled on the first day of the opening of our enrollment (May 30). Section 3 - 3MT03. Deal with it. Wala nang 7:30, men. Horraaaay!
  • Went to SM Masinag for the first time! With friends for Masinag, ya know.
  • Bought SPF 100 sunblock. I dunno, I'm crazy. Ayokong mangitim, K?
  • Pruchased my first pokpok red nail polish and a skin tone one. I am happy. And complete.
  • Will be going to Club Manila East tomorrow for an overnight swimming! Parents' treat. ☺
  • Start of classes on June 13. I just hope nothing goes wrong with my uniform. 

This is a very unprofessional way to blog. Never do this again, Mariah.