May mga tao talagang wala nang ibang inisip kundi sarili nila. Ang important, yung kaligayahan nila. Kahit na anong maging epekto pa ng ginagawa nila o sinasabi nila, puro sarili lang nila ang mahalaga. May mga taong manggagamit. May mga taong nandadamay ng kapwa. At pagnakuha na nila ang gusto nila, ok na. Kalimutan na. Next time na lang ulit, kapag kinailangan ka na naman niya.
Pwedeng kaibigan mo yan, kakilala, o espesyal na tao sayo. Lahat ata ng pagpapanggap, ginagawa nila. Mapagbigyan mo lang ulit. Mapunan mo lang ang kulang sa kanila. Pagkatapos noon, wala na. Dahil ok na sila, hindi ka na nila kailangan. Hindi ka na nila maaalala.
Nakakalungkot lang. Bakit parang masyado ata silang nagiging makasarili? Baka nakakalimutan nilang tao din tayo. Tao rin naman ako.
Nalulungkot din ako. Nasasaktan. Hindi lang naman sila ang may problema, hindi lang naman sila ang nangangailangan ng ibang tao para mapagbalingan.
Bakit kasi kailangan pang manggamit ng iba. Mag-take advantage sa kahinaan at vulnerability ng ibang tao.
Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Ang nangangailangan.
Ako rin naman.
Wala naman sanang gamitan.
No comments:
Post a Comment