Saturday

Disappointments and Vulnerability

May mga tao talagang wala nang ibang inisip kundi sarili nila. Ang important, yung kaligayahan nila. Kahit na anong maging epekto pa ng ginagawa nila o sinasabi nila, puro sarili lang nila ang mahalaga. May mga taong manggagamit. May mga taong nandadamay ng kapwa. At pagnakuha na nila ang gusto nila, ok na. Kalimutan na. Next time na lang ulit, kapag kinailangan ka na naman niya.

Pwedeng kaibigan mo yan, kakilala, o espesyal na tao sayo. Lahat ata ng pagpapanggap, ginagawa nila. Mapagbigyan mo lang ulit. Mapunan mo lang ang kulang sa kanila. Pagkatapos noon, wala na. Dahil ok na sila, hindi ka na nila kailangan. Hindi ka na nila maaalala.

Nakakalungkot lang. Bakit parang masyado ata silang nagiging makasarili? Baka nakakalimutan nilang tao din tayo. Tao rin naman ako.

Nalulungkot din ako. Nasasaktan. Hindi lang naman sila ang may problema, hindi lang naman sila ang nangangailangan ng ibang tao para mapagbalingan.

Bakit kasi kailangan pang manggamit ng iba. Mag-take advantage sa kahinaan at vulnerability ng ibang tao.


Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Ang nangangailangan.
Ako rin naman.

Wala naman sanang gamitan.

Walang title.

Ngayon ko lang 'to gagawin. Dito ko ita-type sa blog na ito dahil konti lang ang nakakaalam nito. Isa pa nga lang ata bukod sakin.

So, ito na..

Dear Future Boyfriend,

     Hi. So paano ba gumawa ng love letter? Sorry, ha. Hindi kasi ako sanay. Wala naman kasi akong binibigyan ng love letter at hindi rin ako mahilig sa mga letter. Pero dahil hanggang ngayon 'e mukhang hindi pa rin tayo nagkikita, ito lang ang kaya kong magawa.

     Asan ka na kaya? Saan ka kaya nag-aaral? Kamusta naman kaya ang pamilya mo? O, may girlfriend ka ba ngayon? Wag mo muna sana siyang pangakuan ng kung ano ano. Andito pa ako. Magkikita pa tayo. Inaantay kita, siguro, sa kabilang sulok ng mundo o andito lang din ako sa Pilipinas kasama mo.

     Ano bang mga hilig mo? Tipikal na lalake ka rin ba na mahilig sa basketball, o baka naman mahiyain ka masyado? Ano nga kaya ang estado mo ngayon? Palagi kong naiisip 'yan kapag naaalala ko na lahat daw tayo may itinakdang makakasama habang buhay. Ano kayang ginagawa mo habang ginagawa ko 'to? Nakakaranas ka kaya ng sakit o paghihirap ngayon? Hindi ko alam.. Pero palagi kitang pinag-darasal sa Kanya. Siya lang kasi ang may alam kung sino ka, at kung nasaan ka. Siya lang ang makakasagot sa tanong ko na KAILAN.

     Hindi ako magaling mag-drawing. Mahina ako sa Math. At hindi rin ako sporty. Ang alam ko lang gawin ay magsulat. Mahilig din akong mag-basa. Hindi naman ako maarte. Sakto lang. Ordinaryo lang ako manamit, at hindi ako makulorete sa katawan. Hindi pa rin ako bihasa sa pagluluto. Ang alam ko lang gawin ay omelet at pancake. Nakakalungkot nga 'e, hindi ko rin alam kung paano magsaing. Hindi rin ako marunong maglaba at mamalantsa. Pasensya ka na, ha? Mukhang mangangailangan tayo ng kasambahay.

     Pero habang hindi pa tayo nagkikita, gagamitin ko ang oras na 'to para mag-grow. Gusto ko sanang i-improve ang sarili ko para sa ating dalawa kapag dumating na ang tamang panahong makikita na kita. Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ako pumasa sa standards ng mga magulang mo. Lalong lalo na ng nanay mo. =/ Pero unti unti naman akong nag-aaral sa pagluluto. Nagpapaturo ako sa nanay ko. Sa nanay mo, dito.

     Nag-aaral din ako para sa hinaharap natin. Ayokong maging housewife lang. Gusto ko mag-tutulungan tayo sa pag-suporta sa magiging pamilya natin. Pero sisiguraduhin ko na kapag pauwi ka na ng trabaho, nasa bahay na ako. Nakahanda na ang kakainin mo at damit mo. Gusto kitang pagsilbihan hanggat may lakas ako. Gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal na inipon ko ng ilang taon nung hindi pa tayo.

      Pasensya ka na kung napaka-futuristic ng dating ng pag-iisip ko. Ako kasi yung tipo na gusto ko, ikaw na yun. Ikaw na yung pagbibigayn ko ng lahat ng makakaya at buong pagmamahal na kaya kong maibigay sa isang tao.

      Anyway, alam ko naman na lahat ng tao ay may kahinaan. Lahat tayo, may nakaraan. Lahat tayo, may nagawang mali na gusto nating itama. H'wag mo nang problemahin kung ano mang nangyari sa nakaraan mo. Tatanggapin ko yun at magsisimula ka ng bago, magkatulong tayo. Alam ko rin na normal lang na magkaroon tayo ng "rough days", ayoko sanang patagalin natin kung ano man ang problemang kakaharapin natin. Sana, maging mapag-pasensya at mapag-patawad tayo sa isa't isa.

      Higit sa lahat, mamahalin kita sa paraang nakikita ko kung paano minamahal ng nanay ko ngayon ang tatay ko. At kung paano ko gustong makitang minamahal ng magiging "daughter-in-law" ko ang magiging anak ko.

      So ngayon, ayan. Nasabi ko na yung gusto kong sabihin. Kung saang panig ka man ng mundo naroroon, sana maramdaman mo na hinihintay at pinaghahandaan kita dito. Dito, sa puso ko.

     
      Hindi ako perpektong babae. Napakalayo ko doon. Pero gagawin ko ang lahat para iparamdam sayo na ikaw ang pinaka-importanteng lalake sa mundo.


      Mag-iingat at magdarasal ka sana parati.

      Aantayin kita.



Iyong Future Girlfriend,
Mariah